Upang matulungan natin ipahayag ng ating mga anak ang kanilang emosyon, kailangan natin silang turuan ng iba’t ibang bokabularyo na angkop sa kanilang nararamdaman. Ang lahat ng emosyon ay mahalaga at mayroong layunin kaya naman kailangan nating pahalahahan ang mga nararamdaman ng ating mga anak. Huwag natin silang ipahiya o kaya ay pagalitan kung sila ay nakakaramdam ng matinding emosyon.

Napakaganda ng ating Wika. Alamin ang kahulugan, kasingkahulugan ng iba’t ibang emosyon sa salitang Filipino sa pamamagitan ng ”Kumusta ka?” | Mga Kard ng Damdamin
Ito ay makakatulong para maipahayag ng ating mga anak ang kanilang nararamdaman sa ating sariling wika. Hindi madaling sabihin ang ating mga nararamdaman ngunit ito ay kinakailangan upang tayo ay mas mapalipit sa isat-isa, kaya naman ginawa namin ang :
Kumusta ka? | Kard ng mga Damdamin Emosyon Bibo: Bersyon Sa Filipino
Dinesenyo namin ito upang makatulong sa paglago ng literasiyang pang-emosyonal at kamalayan sa sarili. Lalo’t higit, paularin ang emosyonal na kagalingan ng isang tao. Umaasa kami na ito ay makatutulong upang mapalapit sa isa’t isa ang miyembro ng mga pamilya at mga komunidad. Ang puso ng proyektong ito ay pagdadamayan sa pamamagitan ng malalim at makahulugang usapan at komunikasyon.

Photo Credit: Mommythineandbabyaven
Ang layunin nito ay mapakinggan ang ating mga mahal sa buhay at magkaroon ng pagkakataon na makita at marinig ang kanilang totoong saloobin. Ito ay simpleng gamit sa pag-uusap na makakatulong upang maipahayag ang damdamin ng bawat miyembro ng pamilya. Layunin nitong itaguyod ang emosyonal na katalinuhan at pagdadamayan

Ito rin ay makabuluhang paraan para hasain ang iyong anak sa wikang Filipino.
Sa loob ay mayroong 50 na kard ng mga damdamin, Sa likod ng mga kard ay mga kahulugan, mga salitang kasingkahulugan at mga tanong upang mas maipaliwanag ang nararamdaman ng bawat isa.

Photo credit: _kaliandmommy IG
Kami sa EMOSYON BIBO™ ay naniniwala sa mga sumusunod:
MAKINIG (Listen): Maging interesado at pakinggang mabuti ang ibá’t ibang emosyon ng ating mga anak, kapamilya o kaibigan.
BUKSAN ANG PUSO (Open-up): Maging huwaran pagdating sa pagbabahagi ng iyong emosyon.
KUMUNEKTA (Connect): Maging handa sa pag-unawa, pagbibigay o pagtanggap ng suporta at papuri sa bawat isa kung kinakailangan.
ITULUY-TULOY (Be consistent): Ipagpatuloy ang pakikinig, pagiging huwaran, at pag-unawa sa ating mga anak. Maging bahagi ng ating iskedyul ang paggamit ng mga kard.
Ang paulit-ulit na pagkilala sa mga damdamin o emosyon ay makatutulong upang mas makilala ang bawat isa at matutuhang maipahayag ang mga ito. Higit sa lahat, gawing kasiya-siya ang bawat sandali kapiling ang ating mga anak, kapamilya o kaibigan!
Mabibili ang Kumusta Ka? Mga Kard ng Damdamin sa aming Lazada at Shopee.
Ito rin ay nasa wikang Ingles (English). Basahin ang patungkol sa How am I feeling? | Emotion Card. at kung paano ito makakatulong sa ating mga anak.

